Sunday, 29 April 2018


IN AN ALTERNATE UNIVERSE


2. INT. SA ISANG RESTAURANT SA MAKATI - NIGHT

Boy:
Ang tagal-tagal ko na syang nililigawan, hindi nya pa rin ako sinasagot. Puta, Paskong-pasko, nagsasaya ako tapos biglang sasabihin nya sa'kin, “Ikaw, kalian ka titigil?”

Girl:
Choice mo naman ‘yan e. Kanina nga pinuntahan mo pa daw sa Glorietta. Hay jusko.

Boy:
Hindi ko matiis e. Binabawasan ko naman na, pero hindi ko talaga kayang tiisin e.

Girl:
Gusto mo talaga sya, no?

Boy:
Sobra.

Girl:
Yung ano, yung nag-eeffort ka pero wala kang magawa kung hanggang doon lang yung kaya nyang isukli.

Boy:
Nadali mo.

Girl:
Tapos diba pag ganyan syempre kabado ka pa kapag magkikita kayo. Ayos na ayos ka. Dapat maisip nya na, “Uy, okay naman siya. Matino naman syang tao. Bakit di ko bigyan ng chance.”

Boy:
*nagtatakang titingnan sa mata si Girl* 
Bakit alam mo? Nanligaw ka na ba?

Girl:
 Matatawa na may kasamang buntong hininga* 
Medj.

Boy:
Puta ano ka lalaki?

Girl:
Bakit lalaki lang ba pwedeng manligaw? Pano pag kaming mga babae, gusto naming yung lalaki? Di kami pwedeng gumawa ng paraan para maiparating sa gusto naming tao yung nararamadaman namin? Syempre dapat pwede rin. Dapat fair.

Boy:
Well… life is unfair. Pero dapat nga pwede rin kayo kasi tao rin naman kayo, may feelings kayo, katulad ng mga lalaki.

Girl:
Um hm!

Boy:
So, pano ka manligaw?

Girl:
Hahaha anong pano ko manligaw? Baka gayahin mo pa mga diskarte ko.

Boy:
O bakit? Effective ba mga moves mo?

Girl:
Hahaha. Hindi.

Boy:
Malamang. Kasi kung effective yon, dapat may boyfriend ka na ngayon at hindi kita kasama dito. So anong nangyari sa kanila?

Girl:
Well, technically hindi ko naman sila talagang niligawan. Kumbaga, dating na pero ineeffortan ko talaga sila. Tulong sa thesis, support sa mga raket nila, gagawan ng time. Kasi syempre diba, yung mga babae naman, nagpapabebe yan pag dating pa lang. ako hindi ganoon.

Boy:
So ano nga nangyari? May nagging jowa ka ba sa kanila? Nasaan na sila?

Girl:
Ayun, kung di ako nafriendzone, naiwan sa ere, or na-ay-akala-ko-normal-mo-lang-yon, na sobra yung love mo for me.

Boy:
Hahaha! Shet, pinagdaanan mo lahat yon? Para kang lalaki ah!

Girl:
Strong to. Pero alam mo, ang common sa lahat ng mga lalaking ‘yun, nahahanap nila yung The One kapag after ko.

Boy:
Wait ano?

Girl:
Lahat yung mga lalaking yun, pag tapos na kami sa dating stage at wala na talaga, syempre hahanap sila ng iba, tapos yung mga babaeng ide-date nila kasunod ko, pangmatagalan na nila. The One material na nila.

Boy:
Ano ka, agimat? Hihimasin, bibitawan, tapos lalabas na yung hinahanap?

Girl:
Tangina, ang harsh mo ah.

Boy:
Ay ang harsh ba masyado haha sorry

Girl:
Kaya kung gusto mong sagutin ka ni Gigi…

Boy:
Ay wag ganon. Ano rebound ka na tapos gagamitin ko pa powers mo?

Girl:
Oy gago, 'di ko sinabing i-date date mo rin ako para sagutin ka na rin niya. Galingan mo pa kasi manligaw!


Magtatawanan ang dalawa.





Friday, 26 February 2016

GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON (1976) FILM REVIEW

GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON
Film Review
Rating: 5/5
Director: Eddie Romero 
Writers:Eddie Romero  Roy Iglesias 
Cast: Christopher De LeonGloria DiazEddie Garcia


Kulas (played by Christopher De Leon) travels going nowhere as he enjoys his newly bought horse in exchange of his land property. Photo by Lorenz Roi Morales



The film actually depicts the painful reality of life for "Indyos" during Spanish Era in the Philippines. An innocent "probinsyano", namely Kulas, turned into an epitome of wealth after helping a phony priest in saving his son and then in the end turning back to who he was at the beginning. The story uplifts and honors the label "Filipino" which shows who Filipinos really were and who we should be yesterday and today: dignified, innately benevolent and does good acts without asking for anything in return. In this film, I saw three main values: what happens when you do good unexceptionally, the honor of being a Filipino and the uncertainty of life's course. 


When it comes to technicality and cinematography, I would rate it excellent: the script and lines were appropriate for the scenes; the setting and production design is above excellent; the audio is satisfactory (maybe because I saw the restored version); and the shots and camera angles are very impressive as well. 

I am very grateful that the ABS-CBN Film Archives is spearheading the Film Restoration Project. Without it, youth today like me, who are film and literature enthusiasts as well, would not be able to have the chance to see such classic masterpiece.  

Tuesday, 21 October 2014

BLUE BUSTAMANTE (2013) Film Review

BLUE BUSTAMANTE
Film Review
Rating: 4/5
Director: Miko Livelo
Writers: Miko Livelo, Joel Ferrer
Cast: Joem Bascon, Jun Sabayton, Dimples Romana, Jhiz Doecareza

The cast and crew of the action TV series Blue Bustamante prepares on their set. Photo by entertainment.inquirer.net

The film portrays different family and personal values in a discreet way. It is something that almost everybody can relate to for it speaks of an OFW's life abroad, an OFW's family left in the country, a child's suppressed feeling towards his father, bullying, friendship, respect for co-workers, the life behind a stuntman's costume and most of all, the limitlessness of life's posibilities.  Moreover, the film also portrayed the struggles of an OFW to fight the temptation of having an extra-marital relationship. What's amazing in this film is that all these elements were portrayed in a comic way. 

Technically speaking, the camera shots, script and acting of actors are fit to the story. For me it's a powerful film yet lightly delivers it's message to the viewers. It is no doubt a film to recommend for all ages, since children may also learn the value of the hardships of their parents abroad.


Wednesday, 17 September 2014

11th Week Photo-A-Day Challenge: People Are People

People smile.

People pose.

Other people have twins!

People stare.

People chew gums.

People attempt to blow gums.

People giggle.

Monday, 8 September 2014

Batch '81 Sequence Treatment: Sequence 1

1. EXT. SA LOOB NG UNIBERSIDAD. DAY
Mataas ang araw. Naglalakad si Sid Lucero sa unibersidad. Mayroon lamang dalang isang notebook sa kanyang isang kamay. Maingay ang mga tao sa paligid. Tila ang lahat ay may kanya-kanyang pinagkakabalahan habang ang iba nama'y nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kasama. 

         Pawis-na pawis at nagmamadali, umakyat si siya ng gusali patungo sa kanyang klase. Sa hagdan ay mayroon pa ring mga nakakalat na kapwa mga estudyante. Ang ilang ay nagmamadali rin, gaya niya. 

         Napadaan sa isang Bulleting Board, nakita nya ang lalagyan ng application forms. Intensyunal na kumuha ng isa at tumuloy sa kanyang klase.

         Sumilip sa loob ng classroom. Kinakabahan, dahan-dahan siyang pumasok.

         Biology room ang kanyang classroom. May mga modelo ng katawan ng tao at ang mga mesa ay kwadrado, tag-iisa ang bawat isang estudyante. Sa harap ay may pisara.

         Walang swerte, nahuli ng kanyang guro. Makapal ang buhok, maputi, nakasalamin, mataba at hindi katangkaran. Mukhang karaniwang terror na guro. Malakas at matinis ang boses nito. Sinita siya at tinanong kung ano ang kanyang dahilan sa pagiging huli sa klase. Sumagot ito ngunit bumulyaw naman agad ang guro. galit ang matabang mukha, tumawag pa ng ilang mga estudyante at tinanong kung saan nakatira ang mga ito. Sumagot naman nang matinong-matino ang mga pinatayo.

         Umupo na si Sid Lucero ngunit hindi pa rin natitigil sa pagsasalita ang guro. Wala sa guro ang kanyang atensyon. Nakapatong ang kamay sa desk at nakatungo, nasa application form na kinuha nya kanina ang kanyang isip, mata at kamay. Application form ng AKO. Maraming tumatakbo sa kanyang isip. Buo ang kanyang loob na sumali sa fraternity na ito. 

10th Week Photo-A-Day Challenge: No Edit and No Filter Collection

So close, yet so far.

Isang araw sa pila ng tricycle sa may Pureza ...

Animo'y maliit na daigdig sa isang sulok ng silid.

Zacarias Barber Shop: Where haircut is free!

The "Ang-kay-Juan-ay-kay-Juan-ang-kay-Pedro-ay-kay-Pedro" Shih Tzu's Face

Si Mingming na nagfi-feeling

Frame: Structural Columns , Subject: Handsome

Sunday, 7 September 2014

9th Photo-a-day Challenge: Diagonals

The 6th Pandayang Lino Brocka at the UP Cine Adarna

Uneven pathway

The UP Cine Adarna

"Whatcha say?"

You know it's UP when there are kissing trees, asphalt road and a jeepney

Take me there.

What lies ahead is a mystery.